Financial Education is not just for the wealthy, it is for everyone
Building a Solid Financial Foundation
If you want to be wealthy you need first to understand the importance of Building a Solid Financial Foundation. Katulad ng pagtatayo ng bahay dapat matibay ang pundasyon. Kahit magaganda ang mga kasangkapan mo sa bahay, magara ang bubong, may malaking kusina at bago ang pintura ng mga dingding kapag hindi matibay ang pundasyon kapag may dumating na bagyo o lindol siguradong maguguho ang bahay mo. Sa iyong financial house dapat ganun din, kailangang matibay at matatag ang pundasyon nito.

Ang bubong ng iyong financial house ay ang INVESTMENT. Investment tulad ng mutual funds, stock market, real estate. Ito yung tinatawag na MONEY WORKING FOR YOU, kung wala kang balak magtrabaho habang buhay then kailangan mo ng investments. Pero hindi pwedeng puro investment lang, kailangan ay meron ka munang sapat na EMERGENCY FUND. Emergency fund is 3 to 6 times of your monthly income. Kung kumikita ka ng 20,000 sa isang buwan multiply by 3 to 6 months , dapat ay minimum meron kang emergency fund na 60,000. Para kung mawalan ka ng trabaho, may nasira bahay, nag-slow down ang negosyo meron kang emergency fund na magagamit. You can still survive 3 to 6 months na hindi mo kailangang mangutang, at hindi mo kailangang i-withdraw ang investments mo.
Kung meron man kayong utang kailangan ELIMINATE your DEBTS as soon as possible lalo na yung mga high-interest debts kagaya ng credit cards, personal loans. Kapag hindi mo nabayaran agad ang mga utang na yan mas hamak na mataas ang interest niyan kesa sa investments mo.
The real foundation in building wealth is LIFE INSURANCE and HEALTHCARE. Life insurance is important lalo na kung ikaw ay bread winner or merong mga taong umaasa sa iyo. Kung may mangyari sa iyo, in the event na bigla kang kinuha ni Lord, merong pera na mapupunta sa pamilya mo (life insurance coverage). Healthcare is very important dahil kahit ano mang istado mo sa buhay maaari kang magkasakit. May dalawang klase ng healthcare, ito ay yung short-term healthcare at long-term healthcare. Ang SHORT-TERM HEALTHCARE ay usually na binibigay ng kumpanya, ito ay yearly renewable. Kapag nagpacheckup ka, naconfine ka ang short-term healthcare mo ang magbabayad sa bills mo. Covered ka lng ng short-term healthcare mo kapag nasa kumpanya ka pa, pero kapag nagretire ka na, wala ka ng short-term healthcare lalong lalo na kapag ikaw ay 60 years old or more. Dahil hindi mo madadala ang short-term healthcare mo sa iyong pagtanda, dun pumapasok ang LONG-TERM HEALTHCARE.
Ang long-term healthcare ay magagamit by the time na wala ka nang short-term healthcare benefits, kapag retire ka na, or wala ka na sa kumpanya. Ang long-term healthcare ay mahalaga dahil sa mas nagkakasakit tayo kapag matanda na tayo and that is the time na retired na tayo at wala nang short-term healthcare.
Para maging matibay ang iyong financial house, you need to build it from ground pataas, HEALTHCARE muna, then LIFE INSURANCE, bayaran ang utang hanggang ELIMINATE your DEBTS, magkaroon ng EMERGENCY FUND at huling huli ang INVESTMENTS.
The crucial thing para mabuild ang financial house mo is to have an INCREASE in CASH FLOW. The moment that you increase your cash flow syempre may pambili ka na ng healthcare mo, you can invest in your life insurance protection, mababayaran mo ang utang mo, makakapag create ka ng emergency fund at lastly you can buy more INVESTMENTS.
Sana ay madami kayong natutunan sa aking first blog. Stay tune for more posts in the upcoming weeks.